Alamat ng Pusa
"Alamat ng Pusa"
Noong unang panahon daw ay may isang bata na pangalan ay Gian na siya ay ang bunga ng pagmamahalan nila Divinia at Randy na naninirahan naman ng masayang buhay sa isang baryo sa Laguna.
Ngunit kahit pala mabait at masisipag ang mga magulang ni Gian, ay siya pala mismo ang mag papahirap sakanila. Dahil siya ay puno ng katamadan at laging iniiwasan o binabaliwala ang mga utos at payo ng kaniyang mga magulang. Siya lamang din pala ang nag iisang anak ng mga ito kaya sya ay nasanay nang makuha lahat ng kaniyang gusto at nais sa buhay at ito ay magdadabog at magagalit din kapag hindi niya ito nakuha. Pero si Gian ay laging masayang natambay lamang at natutulog kahit alam niya na may mga gawain siyang kailangan atupagin.
Pero isang araw, ay nakita ni Gian na nahagulgol ang kaniyang nanay at tatay, ng tanongin nia ang mga ito, sila ay nagsalita sa napakalungkot at mahinang boses "Anak, parehas kami nawalan ng trabaho ng iyong ama", nagulat si Gian at sinabing "Ma, pa pano na tayo ngayon? Madami pako gustong mabili at makuha" ang sinabi ni Gian, sinagot ng kanyang Ama na si Randy "Anak pasensya na naubos narin ang mga ipon natin kakabili ng mga bagay na iyong gusto". Imbis na suyuin at maghanap ng paraan si Gian ay nag dabog nalamang habang nag lalakad papunta sa tambayan ng kanilang mga kaibigan. "Oh, Gian bakit parang galit na galit ka?" sinabi ng kaibigan niya na si Shoti, "Huwag mo ng alamin" Ang sagot ni Gian. Nag gala at laro nalamang silang mag kakaibigan.
Pero pagkatapos ng hapon ay bumalak ng umuwi ang mga ito. At pag ka uwi ni Gian sakanyang tirahan at ito at biglang nagalit "Ma, pa! Bakit wala na ang aking mga laruan at gamit na budbod sa kagandahan!" ang sigaw ni Gian, ang sabi ng kanyang Ina na si Divinia "Anak binenta ko na ang mga ito para makabili ng mga pangangailangan at pagkain natin" mahinhin na sagot ng kanyang Ina pero nagalit at kinulit ni Gian ang kaniyang mga magulang na isauli at bumili ulit ng mga laruan niya.
Kinabukasan, ng magising si Gian ay nagulat at namangha kasi ito ay nakakita ng isang Diwata na nakatayo at titig sakanya. Ng ma surpresa si Gian sa Diwata Ito to ay kaniyang tinanong "Andito kaba para tupadin ang mga gusto at nais ko?" masayang sinabi ni Gian, pero sa napaka seryosong sagot ng Diwata "Hindi ikaw ay aking paparusahan!" sabi ng Diwata kaya naman si Gian ay nagalit sa diwata at kinulit na gawin ang kaniyang mga sinasabi. Ngunit ng nagalit ang Diwata ay tumahimik si Gian, "HINDI! Nandito ako para ipakita at ibigay sayo ang dapat saiyo!" ang sabi ng Diwata, kinuha neto ang kaniyang mahiwagang aklat at sinabi "Dahil ikaw ay napaka tamad ay wala kanang sinusunod, pati napaka kulit at wala kanang paki elam sa mga magulang at bagay na importante sa buhay mo!" sigaw ng Diwata at sa kaba ni Gian ito ay napasalita ng "Ano ang iyong gagawin sa akin? Maawa ka!" sabi ni Gian "Wala ka ng magagawa, ikaw lang din kasi ang may kagagawan nito, ikaw ay gagawin ko ng pusa!" at nag labas na ng kamangha mang-hang kapang yarihan ang diwata at sa susunod na mulat ng mata ni Gian ay siya ay isang daang porsiyentong pusa nalamang. Nag maka-awa si Gian sa Diwata at pinipili pero ito ay umalis na at ang huling sabi niya kay Gian "Yan ang parusa mo! Kung naging isang mabait at masunurin kanalamang na bata ay hindi kana magkaka ganyan!" ang pahiwatig ng Diwata. At si Gian ay natirang nag durusa at nag sisisi sakaniyang mga ginawa samantala ang kaniyang magulang ay nagtataka kung nawala o nag layas si Gian.
Ang gintong aral na mapupulot sa aking alamat ay dapat lahat ng bagay na binibigay sayo ay tinatanggap mo ng buong puso at maging responsabli sa mga gawain pati sumunod sa mga magulang ng walang halong galit o tampo at iwasan maging tamad at walang paki alam sa mga bagay na mahalaga para saiyo at iyong pamilya.
👌
ReplyDelete